Episode 1. Search in sa Seminaryo

Fiat LuxAng buhay ay isang paglalakbay.  Sa iyong biyahe, marami kang madadaanan at malalampasan, at sa bawat pagdaan at paglampas, may matutunan kang mumunting aral – sa porma at anyo ng mga tao, sitwasyon, lugar at pangyayaring kakikitaan mo sa iyong sarili sa iba’t ibang yugto ng iyong biyahe.  Halika, samahan mo si buboy sa kanyang paglalagalag sa pagnanais nyang mas makilala ang kanyang sarili.  Tara na!

Sa first stop natin sa aking biyahe, ikukuwento ko ang aking vocation experience (yes, you hear it) sa pagsesearch in sa seminaryo. Matagal tagal ko nang binalak ito simula nang magexam ako dun noong October, pero nitong nakalipas na araw lang ako nagkalakas ng loob na itake ang second step (mahaba haba ang mga steps dito, apat bale lahat).  Ako talaga kasi’y kinakabahan (ngineegg) at nakaranas ng katakot takot na pagsubok (O, God, why me?) kaya ako’y nagdalawang isip.  Pero sa awa ng Diyos, at sa pagfollow up ni Father (salamat, Pads!) ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa pintuan ng seminaryo (Sympre, sumakay muna ako sa bus pamaynila at bumaba sa overpass na yon – dyan sa may Makati – clue ba ito? haha).  Pero, flash back muna tayo, kasi natutunan ko ang style na ito sa lit prof ko nuon sa college –   “medias res daw”, nagsisimula daw ang kwento sa kalagitnaan ng aksyon, ganyan daw ang style ng mga Greek epics – any way, para rin namang epiko ang aking “calling” (hello, telefone? hehe).

Bata pa ako, mahilig na talaga ako sa pagsimba (lagi nga akong kasama ng nanay ko sa simbahan) at di ko alam kung bakit talaga namang ako’y namangha sa mga madre (sa eskwelahan kasi ako ng mga madre nag-aral para sa aking elementary) at mga pari (madaming pari dine sa bayan naming are sa Batangas!)  O.A. ang aking kaalaman sa mga ka-Bagang na yan kasi alam na alam ko kung anong congregation sila kabilang base lamang sa kanilang uniform (habit) at kwintas na suot.  At alam ko kung saan ang kanilang kumbento at kung sino ang founder nila.  Kung may quiz bee nga ng mga kongregasyon ng pari at madre, siguradong champion ako dyan! haha.  (Yown naman, yabang, ah).

Tapos, noong nagtagal tagal, dahil siguro lagi ko naiisip, parang nagkikilos pari na rin ako…. kaya madalas noong college, napapagkamalan akong Philo major though malayo naman dun ang kurso ko at di pangkaraniwang tinatanong randomly na “Gusto mo ba magpari?” na kaagad agad ko namang sasagutin ng “Naku, ay HINDEEE….” hindi ko alam, pero talagang labas sa ilong ang sagot kong iyon, though napaka-automatic  (Wag mo nang itanong kung bakit dahil di ko rin alam. haha).

At ngayon namang nagtatrabaho na ako, madalas may nagmamano sa akin, akala talaga pari ako (di ko lang alam kung may kinalaman dyan ang aking tyan- tyan prayle na kasi ako ngayon eh – kakatoma nung araw).  Isang araw pa nga, may madreng nagmano sa akin, akala talaga pari ako…. ewan ko naman at nung inabot ang kamay ko, eh sabay umang ko rin nga naman (haha) talagang nangliit naman ako sa hiya ih pagkatapos  at sinundan pa ako ng bangungot (talagang  bangungot eh) na yan kahit sa pagpunta ko isang araw sa Hongkong (yabang! haha). May nakausap akong dalawang kapwa teacher sa paglulunch (umaatend kami ng komperensya noon) at nang kami’y nagkakausap na, eh inaddress akong father, sabay tanong na pari po ba kayo? nung isa kong kausap na teacher din.  Sympre, napangiti lamang ako…  sabay sabing “hindi po.”

Balik pa tayo sa mas malayong panahon, pasensya na kung sabog-sabog ako magkwento (tao lang) at first ko ito ih (salamat sa patience).  Puntahan naman natin ang madramang parte ng buhay ko (ihanda na ang mga panyo!)

Mga around 2000, nadiskubre na may diabetis si erpat…. at dahil dyan, nagsimula na syang maglabas masok sa ospital at unti-unti nang nanghina ang kanyang katawan… Hanggang sa dumating ang panahon na kinailangan na siyang idialysis twice a week at naging semi-bed ridden na.  Kahit di kami masyadong close ng aking tatay (lagi kasi syang wala dahil sya ay militar) at lagi kaming nagdidiskusyon pag dumadating sya (galit sya sa mga pari ih) eh mahal na mahal ko siya ganon din ang aking nanay (cheesy – haha. di ko nga lang mashado nasabi nung nabubuhay pa sya – tatay ko yun, buhay pa nanay ko hanggang ngayon! haha) kaya panay ang dasal ko noon lalo na sa Mahal na Birhen ng Ina ng Laging Saklolo (pero di naman ako umabot sa paglakad ng nakaluhod sa Redemptorist) at kay San Vicente Ferrer (sya lamang ang santong talaga namang sinukuan ni erpat). Sabi ko eh sana naman ay bigyan pa ng mahaba-habang buhay ang aking ama at pagalingin siya sa kanyang karamdaman.  Pero  parang lalo yatang lumala ang sakit nya eh (di yata ako malakas kay Lord) hanggang sa talaga namang kami’y naubusan (igang-iga ih) ng pera dahi sa kanyang mga medical expenses.   Grabe talaga mga  panahong ito, nabaon ako sa utang lalo na sa mga credit cards…. tawag nang tawag mga yan, naniningil lahat… pero okay lang, basta para sa pagpapagamot ni tatay sabi ko bahala na.  Hanggang sa 2007, namatay na rin nga si tatay matapos ang halos isa’t kalahating taon ng pagpapadialysis.  Ako’y nagpasalamat na rin at sa wakas, makakapahinga na rin sila.  At kahit papaano, bago sya sumakabilang buhay ay nabigyan naman ng anointing of the sick at nakapangumunyon linggo-lingo at nakapangumpisal din.  Sa aking tingin ay mapayapa syang umalis patungo sa langit.

Nang araw na iyon, (nang sumakabilang buhay ang erpat ko) maaga akong pumunta sa school dahil meron kaming programa at ako ang in-charge, napansin ko si tatay, parang nakatingin sa akin, pero lampas ang tingin.  Hindi ko na lang binati dahil sa ako nga ay nagmamadali… Pumasok na ako sa school.  Sumapit ang alas 9, tumunog ang celfone ko.  ”Pinsan, wala na ang tatay mo…”  sabi nung nasa kabilang linya. Wala na akong nasabi kundi, “sige, uuwi na ako…” :-(  Ganon pala ang damdamin ng nawalan ng tatay, parang biglang kumawala lahat ng aking lakas, parang hinigop papatataas ng hangin, palabas sa aking katawan… ako’y parang nanghihina… hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

Namroblema na naman kami ni ermat.  Wala pareho kaming hawak na pera.  Pero marunong talaga ang Diyos, (praise God!) biglang nagdatingan  isa-isa ang aming mga kamag-anak na may mga kung ano-anong dala.  May nagdala agad ng isang kabang bigas, at may nag-abot agad sa nanay ng pera, saka na daw pag-usapan pagkatapos ng libing. Natapos at natapos ang lamay na hindi kami namroblema sa pera. Kay buti talaga ni Lord!

2008, nag-volunteer akong magturo sa seminaryo (sympre, may iba pa akong trabahong full time bukod dito) at nakakatuwa ang klaseng una kong tinuruan – mga fourth year high school (third year college na sila ngayon).  Napakabibibo at babait ng mga batang ito at sa aking palagay, maraming magiging pari sa grupong ito.   Sympre, naappreciate ko naman nang husto ang pananatili ko sa seminaryo kaya’t narito pa rin ako hanggang ngayon (2012 na ngayon).  Mashado akong inspired sa pagtuturo sa kanila at palagi nila akong sinasabihan na bakit di din daw ako magpari kagaya nila.  Sympre, eto na naman ako parang sirang plaka, tanggi na naman nang tanggi.  Ang aking mga estudyante ngayong school year 2011 – 2012 ay pinadalahan ako ng sulat (para sa teachers’ day) na talagang aking pinakatatago.  Eto ang laman ng sulat (haha):

Dear Sir xxxx,

Sa lahat po ng mga titser namin, kayo po ang pinakabanal sa lahat.  Nang magkwento nga po si Ms. xxx sa amin, sabi nya po ay ang table nyo daw po ay puno ng mga santo.  Tapos kadami nyo pa pong alam na teachings of the Church at life of the Saints.  Sya sir, magpari na rin kayo. Hehe.

Salamat po sa lahat.  Sa pag-unawa sa amin ay kayo po talaga ang the best.  At idol din po namin kayo sa pag-aadvice.  Salamat po talaga sa lahat! God bless you :-)

Happy teachers’ day!

Kasabay ng pagtuturo ko sa seminaryo ay ang pagbabasa rin ng mga literatura tungkol sa religious / priestly vocations.  Talagang sinuyod ko ang buong net sa paghahanap at pagbabasa ng mga resources on “vocation discernment”.  Kaya naman on high spirits ako sa mga panahong ito (hindi sa droga ha? hehe).  Kaya naman naglakas loob akong mag-apply sa isang religious order na may pagaaring sikat na unibersidad sa Maynila (pumili ng isa sa mga are: a. Adamson b. UST c. Ateneo).  Pasado ako sa I.Q. test (feeling ko nga eh halos naperfect ko yung IQ test eh. haha – wala itong bola) kaya yun, inischedule ako sa panel interview (paktay ako dyan!)  at dahil sa madalas ay kinakabahan ang kaibigan nyo kapag humaharap sa mga ganyang klase ng pagsubok (para lang akong nasa inquisition na nililitis at sa isang pagkakamali ay iuutos na ako’y sunugin sa plaza haha).  Parang nawala ako sa sarili at di nakasagot nang maayos sa mga taong (mental block ba ito?) Kaya first question pa lang o second question yata, eh kung ano-ano na lang masabi ko…. (what da f***).  Para lang akong naging isa sa mga “thank you girls” sa mga sikat na pageant ng pagandahan ih. haha.  Na-devastate ako dito ih :-(

Sinubukan kong manligaw (oo, may lovelife naman ako di ko lang maikuwento dito dahil baka mabasa nya – medyo dyahe, nakakahiya sa kanya hihi).  Medyo okay na kami, sa tulong ng kapatid nya (kinasabwat? haha).

Then, enters Father Toti (di na naman ito ang tunay nyang pangalan).  Naopen ko sa kanya na parang meron akong nararamdaman na “calling” at kaagad naman niya akong pinayuhan na mag-exam (exam na agad? haha) sa Seminaryo.  Nabuhay na naman ang aking hangarin na magpari, at talagang mas malakas sya ngayon.

Nagexam ako sa seminaryo.  At nakapasa ako.  Sa unang dating ko pa lang sa lugar na iyon, parang nakaramdam agad ako nang kakaiba… Hindi ko maipaliwanag pero parang may kapayapaang bumalot sa aking buong katawan at parang nasabi ko sa sarili kong “I’m home” :-) . Yan din ang sinabi ko noong ako’y unang dumating sa Luntiang paaralan kung saan ako’y nagtuturo ngayon.

Kaya naman, bigla kong naisipang tigilan ang pakikipag-ugnayan sa aking sinisinta (nang-iwan sa ere ang p*** haha).  Sa palagay ko’y nagkamali ako (maling mali talaga :-( ).  At sa palagay ko rin, galit siya sa akin ngayon (sana’y mapatawad niya ako).  Pero darating din ang araw na kakausapin ko siya at ipaliliwang ang dahilan sa tamang panahon at oras :-) .

At ayan na nga ang sumunod na yugto, pumunta ako sa search-in.  Balik na tayo sa simula ng istoryang ito. haha. :-)

ITUTULOY…

Teka muna pagod na ako eh. haha.  Bukas ulit.

About biyahenibuboy

Si buboy ay isang biyahero na naglalakbay patungo sa kaganapan ng buhay (oo, buhay na ganap at kumpleto) kay Jesus, ang kanyang katoto at kaibigan, na di sya iniwan kahit kailan. Sa kanyang paglalakbay, nais nyang may makabarkada at makasama sa kanyang paglalakad (pagpapatikar sa lengwaheng Batangenyo) para mas masaya. The more the merrier ika nga. Tara na, lakad na!
This entry was posted in Vocation Discernment and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Episode 1. Search in sa Seminaryo

  1. hindras carnen says:

    ba’t naman po ganun? kawawa naman si rosemarie. parang di magandang desisyon ung ginawa nyo. :(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s